Philippines Report

1 patay sa panibagong pamamaril sa Koronadal

KORONADAL CITY – INAALAM pa ngayon ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng isang lalaki na pinagbabaril sa Purok Garcia, Barangay Rotonda nitong lungsod alas-11:00 ng umaga kanina.

Ayon kay Police Inspector Gino Fegarido ng Koronadal City Police Station na hindi residente ng naturang barangay ang biktima na binawian ng buhay.

 

 

Nakarinig lamang umano ng dalawang putok ang mga residente sa lugar at nakakita na lamang ang puting sasakyan na pinaniniwalaan na dito isinakay ang biktima na nakasuot ng dark blue t-shirt, brown na short, naka-face mask na bulaklakin at nakasandal.

 

 

Napag-alaman na ito na ang pangawalang biktima ng pamamaril sa Koronadal na unidentified.

Una rito ang natagpuang patay sa Barangay Caloocan gabi ng Miyerkules kung saan may tama ito ng bala sa ulo na nakasuot ng puting V-neck tshirt at maong na pantalon.

 

 

Panawagan naman ng kapulisan sa pamilya na nawalan ng kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanila upang ma-verify ang nasabing mga biktima.

 

http://philippinesreport.com/miyembro-ng-hpg-na-pulis-nahuli-ng-pnp-counter-intelligence-task-force-matapos-mangikil-ng-php100000-mula-sa-isang-kumpanya/

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x