Philippines Report

10 Filipino Celebrities Who Were Born Rich Even Before They Became Famous

10 Filipino Celebrities Who Were Born Rich: Marami sa mga Pinoy celebrities sa industrya ng showbiz ang sumikat dahil sa pagsali sa iba't ibang mga contests. Mayroon din namang mga nakaranas muna ng hirap ng buhay bago nila nakamit ang kanilang inaasam na tagumpay. At mayroon ding sumikat dahil sa kanilang likas na kahusayan, determinasyon at pagpupursigi.

Ngunit iilan lang ang mga masuswerte na bukod sa mayaman ng pinanganak ay pinagpala pa ng pagiging sikat sa showbiz. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Maine Mendoza
Bago pa siya sumikat sa pagiging “Yaya Dub” sa Eat Bulaga, ay galing na si Maine sa mayamang pamilya. Ang tatay niya ay isang engineer at entrepreneur, samantalang accountant naman ang kanyang nanay. Nagmamayari ang kanilang pamilya ng franchise ng isang gasoline station at fast-food restaurant.
2. Ellen Adarna
Bago pa pumasok sa showbiz si Ellen ay galing na siya sa isang mayamang angkan sa Cebu. Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng mga hotels, resorts, at condominiums. Ngunit sa pagpasok niya sa showbiz ay lumipat siya sa Manila upang maging independent.
3. Heart Evangelista
Ang pamilya ni Heart ay nagmamay-ari ng sikat na restaurant na Barrio Fiesta. Kaya naman tinagurian siyang “restaurant heiress.” Bukod pa doon, ay ang kanyang angkan din ang nagmamay-ari ng Everlasting Films.
4. Lucy Torres
Bago pa pumasok sa showbiz, ay galing na si Lucy Torres sa isang mayamang pamilya sa Ormoc, Leyte na nagmamay-ari ng maraming hektaryang lupain sa nasabing probinsya. Mayroon din silang pag-aari na sugarcane plantation.
5. Matteo Guidicelli
Nakilala si Matteo sa kanyang racing career na nagsimula pa noong siya ay 11 years old bago siya pumasok bilang isang artista. Ang kanyang tatay ay isang Italyano at ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng isang manufacturing business.
6. Paul Jake Castillo
Nakilala si Paul Jake dahil sa pagpasok niya sa reality tv show na Pinoy Big Brother at ngayon ay asawa na ni Kaye Abad. Siya ay galing sa isang napakayamang pamilya sa Cebu na may-ari ng International Pharmaceuticals, Inc. Siya mismo rin ay isang businessman at owner ng Yobob Lechon de Cebu.
7. Derek Ramsay
Ipinanganak si Derek sa England, at ang kanyang tatay ay isang British at ex-policeman na nagtrabaho bilang isang detective-inspector sa Scotland Yard. Noong pumunta ang kanyang pamilya sa Pilipinas ay nagtayo sila ng sariling negosyo na electronic security.
8. Denise Laurel
Bago pa sumikat bilang artista si Denise ay galing na siya sa mayaman at prominenteng pamilya ng mga politicians. Siya ay apo ng pangatlong presidente ng Pilipinas na si Jose Laurel at bise presidente na  si Salvador Laurel.
9. Solenn Heusaff
Si Soleen ay galing sa isang French family na nagmamay-ari ng isang petroleum business. Bago pa siya pumasok bilang artista ay isa na siyang socialite. Siya rin ay nakapag-aral ng fashion design sa Paris.
10. Richard Yap
Bago pa sumikat at nakilala bilang “Sir Chief” sa telebisyon ay ipinanganak ng mayaman si Richard Yap. Galing sa isang Chinese family, ang kanyang pamilya ay involved sa maraming business gaya ng bigas, mais, shipping at lumber. Siya ngayon mayroon ding sariling business na isang restaurant at nagmamay-ari ng isang pet hotel at flooring center.

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x