Philippines Report

10 Yrs Old na Batang Babae Tumayong Magulang sa Kanyang mga Nakakabatang Kapatid

Nang maulila sa mga magulang, Ang 10-taong gulang na babaeng ito ay ang natirang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid.

 

 

Hindi matatawaran ang katapangan at pagmamahal na ipanapakita ng batang ito dahil sa pag-aaruga niya sa kanyang mga kapatid matapos maulila sa kanilang ama.

Nanirahan sa isang maliit na baranggay sa Nantang ang pamilya ni Xiao Ying bago pa man pumanaw ang kanilang ama. Ngunit, nabago ang lahat ng ito matapos silang iwanan ng kanilang ina at iwan sa kanya ang responsibilidad sa pagbuhay ng dalawa niyang kapatid na lalaki.

 

 

Kahit na mahirap lamang ang kanilang buhay, hindi sumuko si Xiao Ying at hindi nagawang pabayaan na lamang ang kanyang mga kapatid.

Bawat umaga, tinuturuan niya itong magsipilyo at mag-ehersisyo. Ito ang kadalasan nilang ginagawa bago pumunta sa eskuwelahan ng dalawa niyang kapatid kasama ang aso ng kanilang tiyuhin.

 

 

Dahil wala na silang mga magulang, kinailangan nilang tumira sa bahay ng kanilang tiyuhin.

Si Xiao Ying ang kalimitang nagdadala ng pagkain para sa kanyang mga kaklase sa kanilang eskuwelahan. Binibigyan niya ang bawat isa sa kanila ng tinapay at isang mangkok ng lugaw para sa kanilang agahan.

 

 

Masasabing siya ang pinakaresponsable na estudyante dahil sa kanyang pag-iisip na mas nakakaangat para sa kanyang edad. Katangitangi rin ang batang babae na ito dahil sa kanyang abilidad sa eskuwelahan at dahil siya ang nangunguna sa kanilang mga aaralin.

Si Xiao Ying din ang nangunguna sa mga gawaing bahay tulad ng pag-igib ng tubig sa kanilang balon at paghahanda ng pagkain para sa kanilang magkakapatid. Bago sila umuwi sa bahay ng kanilang tiyuhin, sinisigurado niyang nakakain na silang lahat.

 

 

Kung tutuusin, napakahaba ang listahan ng mga ginagawa ni Xiao Ying araw-araw. Bukod sa pag-igib ng tubig, siya rin ang namamahala sa pagluluto, paghuhugas ng pinggan, at iba pang mga gawaing bahay. Naggawa niya lahat ng mga ito nang walang kahirap-hirap.

 

 

Sinasabing napakagaling daw magluto si Xiao Ying dahil sa mga taong lumipas na sumubok sa kanyang talento.

Inamin ni Xiao Ying na hindi niya nagugustuhan ang mga usapan tungkol sa kanyang ina. Bagama’t, ninanais niya pa rin na mabuo ang kanilang pamilya para sa kapakanan ng kanyang mga kapatid.

 

 

 

 

( PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS)

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x