Philippines Report

14,000 pulis naturukan ng Dengvaxia

philippinesreport December 14, 2017 Health No Comments on 14,000 pulis naturukan ng Dengvaxia

14,000 pulis naturukan ng Dengvaxia: Inutos ni National Police chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang pag-monitor sa 14,000 pulis na naturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Nabakunahan ng Dengvaxia ang unang batch ng mga pulis noong Setyembre habang ang ikalawang batch ay naturukan noon lamang Nob. 21, sabi ni Chief Supt. Edward Carranza, direktor ng PNP Health Service.

Ang mga naturang pulis ay nakadestino sa iba-ibang bahagi ng bansa, kabilang na sa Camp Crame, aniya pa.

 

Walang anomalya sa Dengvaxia—Noy

 

 

Ang ikalawang batch ay binigyan ng Dengvaxia noong anibersaryo ng Health Service, na ginanap walong araw bago inanunsyo ng French pharmaceutical firm Sanofi Pasteur na may problema sa anti-dengue vaccine.

“To those unfortunately vaccinated by this, I am giving instruction to Dr. Carranza, director of Health Service, to monitor everything,” ani Dela Rosa.
“That is 14,000. Kawawa naman kung may mangyari sa kanila,” aniya pa.

Ayon kay Carranza, sa ngayon ay wala pa silang namo-monitor na masamang epekto ng bakuna, maging sa unang batch ng mga tinurukang pulis.

Sa kabila nito aniya’y nagtayo na ang Health Service ng help desk para sa sinumang nabakunahang pulis na nais sumangguni.

“If they notice some symptoms, they would be advised to go to any government hospital, including the PNP General Hospital,” ani Carranza.

Nakipag-ugnayan na ang Health Service sa ilan sa mga nabakunahang pulis, at sa mga tauhan ng Philippine Children Medical Center kung saan nanggaling ang bakuna.

Noong Nob. 29, inanunsyo ng Sanofi na nagbibigay ang Dengvaxia ng benepisyo sa mga nadapuan na ng dengue, pero pinangangambahang magkakaroon ng masamang epekto sa mga taong di pa infected bago mabakunahan.

Woman who had sex with 15 ghosts believes she WILL get pregnant with a spirit's baby

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x