NASA 15 katao na may kinalaman sa iligal na droga ang naitalang patay sa magdamag sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Anim na katao dito ang natumba matapos na manlaban sa kapulisan na nagsagawa ng anti-drug operation.
Lima ang pinagbabaril ng mga hindi kilalang riding-in-tandem suspects habang apat dito ang biktima ng summary execution.
Napatay ng kapulisan ang suspek na si Ricardo Mamaril alyas Iking at tatlong hindi kilalang kasamahan nito matapos manlaban ang mga ito sa kapulisan na nagsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Pag-Asa, Quezon City.
Pagpalag din sa kapulisan ang dahilan ng pagkamatay ni Ronald Galaw ng Navotas at Bernard Montilao ng Sta. Lucia, Pasig city, matapos ang anti-drug operations.
Pinagbabaril naman ng riding-in-tandem ang mga biktimang sina Allan Samonte at Marcel Payapan ng Paranaque, Richard Tood ng Western Bicutan, Taguig, David Kubakob ng Sta. Mesa Manila at isang alyas Ponsil ng Pasig city.
Iniiuugnay din sa iligal na droga ang dahilan sa biktima ng summary execution na natagpuan sa Mandaluyong city at tatlo sa Brgy. Pasong Putik, Fairview, Quezon City. -30-
Leave a Reply