Philippines Report

17-anyos na binatilyo, dinukot habang nakatambay sa harap ng kanilang bahay

Ilang araw nang nawawala ang isang 17-anyos na lalaki sa Pangasinan matapos na dukutin siya ng mga armadong lalaki at sapilitang isakay sa isang van habang nakaistambay sa harap ng kanilang bahay sa Pangasinan.

Sa ulat ni Jasmine Gabriel-Galban sa GMA News TV “Balita Pilipinas” nitong Martes, sinabing nakunan pa ng CCTV ang pagdaan ng puting van sa Alcala, Pangasinan kung saan isinakay umano ang biktima matapos na dukutin noong nakaraang Biyernes.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumitaw na nakatambay sa harap ng bahay ang binatilyo nang dumating ang van na walang plaka at lumabas ang mga armadong lalaki para sapilitan siyang isama.

Sabi ng ilang saksi, tinutukan, pinalo ng baril at binusalan ang biktima at saka isinakay sa van ng tinatayang nasa anim  na suspek.

“Tatakbo po sana po kami biglang hinarangan kami,” ayon sa saki. “Sisigaw po sana ako biglang ginanun kaya kinagat ko kaya nakawala po ako.”

Nananawagan ang ina ng biktima sa mga may impormasyon tungkol sa binatilyo na tulungan sila makita ang anak.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matunton ang biktima.

Lalaking aakalaing mensahero, magnanakaw pala ng mamahaling bike

 

 

—  GMA News

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x