Philippines Report

2 bagong Zika virus case, naitala sa Cavite

MAY dalawang bagong kaso ng Zika virus sa Cavite.

Ito ang pagkukumpirma ng Department of Health (DOH) kaninang umaga, Biyernes, sa isinagawang press conference.

Sinabi ni Health Usec. Gerardo Bayugo, isang batang lalaki at isang adult female ang nakakuha ng naturang sakit.

Gayunman, sinabi ni Dr. Eric Tayag na magsasagawa pa sila ng mas malalim na eksaminasyon at imbestigasyon sa dalawang bagong kaso.

Ang dalawa aniyang hindi pinangalanan ay hindi pa nadadala sa pagamutan pero gumagawa na ng paraan para hindi makahawa sa mga residente.

May kabuuang 19 Zika virus cases ang naitala sa bansa: 12 mula sa Western Visayas, tatlo mula sa National Capital Region (NCR), tatlo mula sa Calabarzon, at isa naman sa Central Visayas. BOBBY TICZON

Remate

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x