Philippines Report

2 transient sa Baguio, ‘di nagbayad dahil ‘di nagustuhan’ ang kuwarto

Dalawang transient sa Baguio o panandaliang nagrenta sa isang condominium unit sa Bakakeng, Baguio City ang tumakas at hindi nagbayad dahil hindi umano natipuhan ang tinuluyang kuwarto.

Ayon kay Kristel Ogtip, may-ari ng unit, Disyembre 9 nang mag-book para sa tatlong araw na pamamalagi ang dalawang hindi nakilalang salarin.

Nasa P1,000 kada gabi ang singil ni Ogtip sa mga nais mag-book ng kaniyang unit.

Wala umanong pagkakakilanlan ang dalawang nag-book dahil sa isang website lang aniya ginawa ang transaksiyon.

“Sabi nila magwi-withdraw daw po sila tapos after daw po, pagbalik po, saka po nila ibibigay…Pagbalik ko mga 6-7 p.m., wala na po sila,” kuwento ni Ogtip.

Hindi rin daw nakuhanan ng CCTV ang pagtakas ng dalawa at maaaring sa likuran ng condominium pumuslit upang hindi mahagip ng camera.

 

SHINee's Jonghyun joins ill-fated '27 Club'

 

Dagdag ni Ogtip, sumagot sa text ang isa sa mga salarin para sabihing hindi nila nagustuhan ang unit kaya hindi sila nagbayad.

Hindi na magsasampa ng reklamo si Ogtip pero hiling niya, sana ay wala nang muling maloko ng mga katulad nila.

Payo sa mga transient owners sa Baguio

Sa datos ng Permits and Licensing Division ng City Mayor's Office, may mahigit 4,000 real estate lessors na nakatala sa siyudad ng Baguio, kabilang na dito ang mga transient house.

Ngayong taon, wala pa raw silang reklamong natatanggap na tulad ng kay Ogtip. Wala rin daw record ang Baguio City Police Office.

Payo naman ni Allan Abayao, hepe ng nasabing dibisyon, dapat kolektahin na agad ng transient owners ang bayad para hindi maulit ang insidenteng ini-report ni Ogtip.

Ayon sa miyembro ng Baguio Transient Republic, isa sa mga grupo ng transient owners sa Baguio, dapat ay malinaw ang panuntunan ng mga transient owners bago sila magpatuloy ng kliyente.

“Nire-require namin na i-settle muna ang payment bago namin ibigay ang susi, bago namin sila patuluyin sa bahay,” ani Marlyn Zabala.

Dapat din daw ay hingan ang mga ito ng mga ID para makasiguro na hindi matatakbuhan.

— ABS-CBN News

 

Pinas, tinanghal na ‘deadliest country’ sa Asya para sa journalists

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x