Philippines Report

3 poll watcher sa La Union nagkainitan dahil sa ‘bulungan’

Nagkainitan ang tatlong poll watcher sa isang presinto sa San Fernando, La Union sa kalagitnaan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections nitong Lunes.

Sa video na kuha ng ABS-CBN News, mapapanood ang mga babaeng nagkakataasan ng boses dahil umano sa “paglabag” sa election protocol ng isa sa kanila.

Ayon sa poll watcher na ayaw magpakilala, napansin daw niya ang kaniyang kasamahan na lumapit sa isang botante.

Matapos iyon, tila palihim na binubulungan umano ng poll watcher ang botante ng mga pangalan na dapat niyang iboto.

“Ibinigay mo ‘yung kopya mo. Hindi puwedeng gano'n. Watcher tayo. Titingin ka lang,” ayon sa isa pang watcher.

Matapos ang sagutan ng dalawa, isang watcher pa ang umeksena at sumali sa argumento.

Aniya, dapat ay alam na raw nila ang mga protocol na dapat sundin ng bawat watcher dahil dumaan naman sila sa briefing ng Commission on Elections (Comelec).

“Hindi ka puwede na lalapit sa kanila. Alam ninyo ang responsibility ninyo,” ayon sa babaeng watcher.

Dumepensa naman ang babaeng pinagbibintangan at sinabing tinuturuan niya lang ang botante kung paano bumoto at hindi niya ito dinidiktahan.

ABS-CBN News

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x