Philippines Report

5 anyos na batang babae panibagong biktima ng rape sa South Cotabato

KORONADAL CITY- Labis na trauma ngayon ang nararanasan ng 5 anyos na batang babaeng biktima ng panggagahasa sa Brgy. Naci, Surallah, South Cotabato.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PCI Jardi Mont Sibal kinilala ang suspek na si alyas Lito , 23 anyos at residente ng nabanggit na barangay kung saan ang biktima ay step daughter ng kapatid nito.

Nangyari ang krimen bandang alas 3 ng hapon nitong Hulyo 18, 2018 kung saan lasing ang suspek nang pilit nitong dinala sa taniman ng tubo ang kawawang biktima at doon na ginahasa.

Sa nasabing krimen may nakakita at ito ang nagsumbong sa Surallah PNP kung saan agad na rumesponde ang kapulisan at nagtangka pang tumakas ang suspek at nakipaghabulan sa mga otoridad ngunit sa huli ay naaresto.

Sa ngayon nasa kustodiya na ito ng Surallah PNP at nakatakdang sinampahan na ng kaso.

Ikinaalarma naman ang sunod-sunod na kaso ng panggagahasa sa mga bata sa probinsya ng South Cotabato kung saan ang iba ay brutal na pinatay.

 

http://philippinesreport.com/dramatic-video-shows-powerful-tornado-ravaging-iowa-homes/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x