Philippines Report

Alma Moreno nagsalita na tungkol sa mga pulis na sinasabing nabuntis ni Mark Anthony Fernandez habang nakakulong

Tuluyan nang tinuldukan ni Parañaque Councilor Alma Moreno ang isyu na diumano’y may dalawang pulis ang nabuntis ng anak na si Mark Anthony Fernandez habang nakapiit sa Angeles City Jail.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi ni Moreno na hindi totoo ang balitang kumakalat sa social media na nakabuntis ito ng dalawang pulis. Aniya, malabong mangyari iyon.

Giit ni Moreno, walang katotohanan ang balita at wala rin siyang ideya kung bakit pinalaki pa ang isyu.

Kamakailan ay kumalat sa social media na nakabuntis si Fernandez ng isang 27-anyos na P02 na taga-Nueva Ecija at 24-anyos na PO1 mula sa Zambales.

Si Mark Anthony Fernandez ay nakalaya na makaraang mahulihan ng isang kilo ng marijuana noong 2016.

Na-dismiss umano ang kaso nitong transportation of illegal drugs, at misdemeanor na lamang ang naiwan.

Naaresto si Mark Anthony sa Pampanga, kung saan ay nakuha ang isang kilo ng marijuana sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Itinanggi ng aktor na sa kanya ang marijuana at wala raw siyang ideya kung saan nanggaling ito. Dagdag pa niya, gumagamit lamang siya nito upang makaiwas sa kanser.

 

http://philippinesreport.com/keep-discourses-respectful-says-lea-salonga-gatchalians-gago-tweets/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x