Philippines Report

Babae kinatay ng mister

philippinesreport March 12, 2018 News 2 Comments on Babae kinatay ng mister

MANILA – Pinatay at pinagputol-putol ng sariling asawa ang isang 46-anyos na ginang sa kanilang tahanan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Linggo.

Nadiskubre ang krimen ng mga batang naglalaro sa tapat ng bahay ng mag-asawa sa Republic Avenue, St. Michael Extension.

Nang tumakbo ang mga residente dahil sa sumbong ng bata, tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na putol ang 2 braso at paa, bukas ang tiyan, tinanggalan ng bituka at binalatan ang mukha. Nakapasok din ang isang putol na paa sa tiyan ng biktima.

Ayon sa isang residente, sinabihan pa umano siya ng suspek na, “Ganyan ang dapat ginagawa sa mga asawa.”

Naaresto ang suspek at ikinuwento kung papaano nito sinimulang patayin ang biktima.

Aniya, nagpapahilot sa kaniya ang misis at nakadapa nang apakan niya ang matres nito at buksan gamit ang kutsilyo.

Inamin ng suspek na galit siya dahil hindi sila magkaroon ng anak ng misis. Binuksan umano niya ang tiyan nito para hanapin kung may fetus doon.

Dagdag ng suspek, nakita n'ya bilang kambing ang misis kaya binalatan niya ang mukha nito para makita kung sino ang nasa likod ng “maskara.”

 

 

Naburyong aniya siya dahil sa kaliwa't kanang problema. Wala rin umanong pupuntahan ang kaniyang paghihirap sa trabaho.

Taong 2002 pa kasal ang mag-asawa pero wala pang anak. Napag-alaman naman na may sakit na myoma ang ginang.

Iginiit ng suspek na hindi niya pinagsisihan ang krimen.

Pakiramdam aniya niya na malaya na siya ngayon.

Narekober sa crime scene ang kutsilyo at martilyo.

Nagimbal naman ang mga kapitbahay sa sinapit ng mag-asawa na anila'y mabait at relihiyoso.

Kakasuhan ng parricide ang suspek na ikinulong sa Camp Karingal. – ABS CBN-

 

BABALA: Maselan ang paglalarawan sa krimen sa Videong ito.

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

2 Comments

Leave A Response