Philippines Report

Babae tumalon mula sa penthouse ng condo, patay

Babae tumalon mula sa penthouse ng condo: Dead on the spot ang isang babae na diumano ay nagpatihulog mula sa 19th floor ng isang condominium sa Quezon City

Kinilala ni PO3 Roldan Cornejo, imbestigador ng Quezon City Police District(QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktima na si Kristine Grace Obedoza ng Fairview City.

Sa kuwento ng sales head ng Victoria Towers Tower D, dakong 1:45 ng hapon dumating ang biktima para tumingin umano ng mga unit at sinamahan ng ahente sa 6th floor.

Gayunman, hindi nakuntento ang babae sa unit kaya isinama sa 12th floor kung saan sinabi umano nito na hindi pa masyadong mataas.

Dito na ipinakita ng ahente at isang manager ang units nila sa 18th floor at hiniling ng biktima na makita rin ang penthouse sa 19th floor.

Nagpaiwan na raw saglit ang babae sa unit pero agad nilang binalikan nang makarinig ng ingay at duon na nakitang nakasampa na sa pasimano ng balkonahe.

Bago pa umano maawat ay nagpatihulog na ang babae at bumagsak sa ledge sa 2nd floor.

Sa lakas ng pagbagsak, naputol pa ang braso nito na tumapon naman sa bangketa.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.

Babae kinatay ng mister

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x