Philippines Report

Babaeng Nanglilibak sa Social Media, Nahaharap sa Kasong Cyber Libel

Babaeng Nanglilibak sa Social Media, Nahaharap sa Kasong Cyber Libel: Hindi natin maipagkakaila na ang chismis ay kasama na sa kultura ng mga Pilipino mapa, opisina, eskuwelahan, kapitbahay o kamag-anak man, hindi na mawawala ang ganitong paguugali lalo na sa mga taong ginawa ng libangan ang pag usapan ang buhay ng ibang tao.

 

 

Lalo na sa panahon ngayon ang chismisan ay tumungtong na sa panibagong antas dahil sa mga social media kung saan talamak ang chismisan, libakan, insultohan at kung ano ano pang masasamang gawain na ikasisira ng buhay ng isang tao.

Kaya hindi na nakakapagtaka na maraming buhay ang nasisira ngayon dahil sa chismisan lalo na sa social media. At ang mas nakakainis pa dito na karamihan sa mga chismosan ito ay nagpapakalat ng mga kuwento na hindi naman totoo.

Pero alam nyo ba na puwede nyo na bigyan ng matinding leksyon ang mga chismoso at chismosan ito? Lalo na kung nagpakalat sila ng mga istoryang hindi naman totoo at nakaapekto ito ng husto saiyo at sa pamilya mo.

Kaya ang mga chismoso at chismosa ay puwde na ngayon kasohan ng cyber libel kung saan itinuturing na itong isang krimen.

Sa tulong ng Republic Act 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Prevention Act of 2012, puwede mo na kasuhan ang mga chismoso at chismosa para ito ay makulong.

Katulad nalang ng nangyari sa isang beteranang chismosa na ngayon ay panasamantalang na detained sa Bantayan Police Station sa Cebu matapos siya ireklamo ng Cyber Libel.

Nakilala ang suspek na si Fretchelle Dawa at ang nagreklamo naman ay piniling itago nalang ang pangalan.

Ayon sa nakalap na impormasyon na ang suspek na si Fretchelle Dawa na isang tindera ay nagkalat ng usap-usapan o alingawngaw laban sa complainant gamit ang isang Facebook Messenger.

 

 

Hindi pa malinaw kung ano nga ba ang ikinalat na alingawngaw ng suspek laban sa complainant, pero sa ngayon nahaharap sa kaso ang suspek na Cyber Libel na nangangailangan ng higit kumulang 10 libong piso para sa pyansa.

At ayon sa mga pulisya na kapag napatunayan sa korte na totoo ang bintang sa suspek na si Dawa ito ay maaring makulang hangang 12 taon.

 

Kaya sa mga mahilig mag chismis jan magisip isip na kayo bago kayo gumawa ng ikakapahamak niyo. Kaya think before you click hindi lahat ng nakakatuwa ay tama.

 

Sa ilalim ng article 353 of the Revised Penal Code of the Philippines, ang libel ay tinukoy na:

“a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status or circumstance tending to discredit or cause the dishonor or contempt of natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”

 

Ayon sa Revised Penal Code na may apat na elemento ang libel at ito ay ang mga sumusunod:

  • Imputation of discreditable act or condition to another
  • Publication of the imputation
  • Identity of the person defamed
  • Existence of malice

Ano ang masasabi niyo sa artikulo na ito? Ibahagi ang inyong opinyon.

 

source: ourdailytrends

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

2 Comments

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x