Philippines Report

Baggage Handling Area sa NAIA, Makikita ng mga Pasahero sa CCTV!

Baggage Handling Area sa NAIA ipapatupad na. Noong mga nakalipas na buwan ay nagkaroon ng ilang mga ulat tungkol sa nakawan na nagyayari sa ating paliparan. Ang pinaka-sikat dito ay ang nangyari sa Overseas Filipino Workers (OFW) na si Jovinal Dela Cruz sa Clark International Ariport na naging dahilan para ipakansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata ng aviation service provider na MIASCOR.

Mga bagahe, ninakaw di umano ng mga airport personnel ng Clark International Airport.

PANOORIN: Laman ng mga bagahe ng isang OFW, ninakaw di umano ng mga airport personnel ng Clark International Airport. Kwento ng biktima, dumating sila sa bansa noong Disyembre 23 habang ang kanilang mga bagahe ay dumating naman ng Disyembre 24. Ngunit nitong Miyerkules lamang di umano sila pinabalik ng airport para kuhanin ang kanilang bagahe. Laking gulat na lamang nila na wala na ang mga laman nito. | Courtesy of Jov En RosUPDATE: Matapos manakaw ang laman ng mga bagahe ni Jovenil dela Cruz ay agad na sinuspinde ang anim na empleyado ng Miascor na siyang humahawak sa mga bagahe ng mga pasahero. Samantala, irerekomenda naman ni CIAC acting president and CEO Alexander Cauguiran ang pagtanggal sa mga nasabing suspek.Bukas po ang aming page para sa panig ng Clark International Airport.

Posted by Pilipino Star Ngayon on Wednesday, January 10, 2018

“Itong nangyari kahapon (what happened yesterday), I would demand that there will be justice instantly. Kung sino ‘yung provider, (whoever is the provider) service provider diyan, you terminate the contract and look for another one… And so for the other airports in the country, I do not want it repeated ever again,” sabi ng Pangulo patungkol sa insidente.

Simula noon ay may panaka-naka pa rin mga sumbong ang ilang kababayan natin. Minsan ay natutuklasan na hindi pala sa paliparan ng Pilipinas nawala ang gamit kundi sa bansang kanilang pinanggalingan. Kaya gumawa na ng aksyon ang airport officials natin para maalis ang agam-agam ng mga mananakay. Sa larawan na ipinost ng netizen na si Paolo Go noong Enero 4, 2019, makikita ang Closed-circuit Television (CCTV) feed sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 Baggage Carousel section. Sa feed ng CCTV, mapapanood kung paano inaasikaso o pino-proseso ng mga airport personnels ang mga baggahe ng ating mga kababayan.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x