Philippines Report

Bagyong Usman naminsala sa Capiz 140 pamilya inilikas

ROXAS CITY – Umaabot sa 140 pamilya ang inilikas sa lalawigan ng Capiz dahil sa bahang dala ng bagyong Usman.

Umakyat na sa 41 na mga barangay mula sa 10 bayan ang lubog sa tubig-baha bunsod ng walang tigil na pag-ulan na dala ng naturang bagyo.

Batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Capiz, umakyat na sa 12 barangay ang lubog sa tubig-baha na sakop ng bayan ng Jamindan; apat sa Panit-an; isa sa Maayon; isa sa Dao; dalawa sa Sigma; dalawa sa Tapaz; 10 sa Mambusao; tatlo sa Dumalag; dalawa sa Dumarao; isa sa Pilar at tatlo sa lungsod ng Roxas.

Napag-alaman din na may ilang mga barangay roads na nananatiling hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa tubig-baha.

Kasunod nito, tiniyak naman ng PDRRMO na nakaalerto na ang mga responding units ng lalawigan kabilang na ang mga rescue teams sa mga kabayanan at mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x