Philippines Report

Baho ni Bong Go ikakalat ng apo ni Duterte

May nakaaway na naman ang kontrobersyal na apo ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa katauhan ng anak ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go.

Humantong pa ito sa pagbabanta ng 17-anyos na si Isabelle Duterte na isisiwalat ang umano’y baho ng pamilya Go matapos mairita sa pamimintas ni Chrence Go.

Nagsimula ang lahat sa tweet ni Chrence na “Ang weird makita nung pre-debut photoshoot ni… Parang may sense of entitlement ang dating. Nagpose pa siya sa likod ng seal…Weird, so weird…”

 

Duterte did not show up at granddaughter Isabelle's debut

 

Kahit walang binabanggit na pangalan ang anak ni Bong Go, umaray naman si Isabelle, anak ni dating Davao City vice-mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte at kinastigo si Chrence.

“You bash someone related to the person who your dad works for, konteng tingin sa pinanggalingan, keep your feet on the ground,” banat ni Isabelle sa Twitter.

Nagbanta pa ito na ilalabas ang baho ni Bong Go at ng pamilya nito.

“you’ve been to places i’ve never been to. so don’t hit me with that entitlement bullshit. kasi you know who between the two of our families hold a bigger scandal. if you’ve lost that much respect for our family, i won’t hesitate to spill everything i know about yours.” babala ni Isabelle.

Tinanggal na ni Chrence ang Twitter account matapos ang sagutan niya sa apo ng Pangulo.

 

DPWH assures safe roads for Ati-Atihan, Dinagyang revelers

 

Noong Disyembre lamang ay inaway din ni Isabelle sa social media ang mismong ama niyang si Paolo.

Pinagpiyestahan naman ng netizens ang away ng dalawa kung saan inudyukan pa si Isabelle na pasabugin ang sinasabing baho ng pamilya Go.

“Sige mag-away kayo para lumabas ang baho niyo.” udyok ng isang netizen.

“Go ahead Isabelle! Spill it!! Let’s stop pretending already!! Yan din gusto ng lolo diba?…selective nga lang siya. hehehe.” sundot naman ng isang netizen.

Nataon ang away ng dalawa sa pagkakaladkad ng pangalan ni Bong Go sa frigate deal ng Department of National Defense (DND) para sa Philippine Navy.

Hindi naman nababahala ang Malacañang sa banta ng apo ni Pangulong Duterte laban sa pamilya ni Bong Go.

Katuwiran ni Presidential spokesman Harry Roque, ang banta ni Isabelle laban kay Chrence ay bahagi lang ng ‘away-bata’.

“Presidential spokesman does not comment on petty fights of teenagers,” ang maiksing pahayag ni Roque.

-Manila Informer –

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response