Philippines Report

Buko vendor ang naunang nanakit – MMDA

NAKAKUHA ang MMDA ng isang cellphone video ukol sa pananakit ng mga tauhan nila sa isang buko vendor sa EDSA.

Sinabi ni Celine Pialago, ang tagapagsalita ng MMDA, nakakuha din sila ng video mula sa barangay ukol sa insidente na ang video ay nagsimulang maging viral sa social media noong nakaraang Biyernes.

Ayon pa kay Pialago nakausap niya si Francis Martinez, namumuno sa Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA, unang nanakit ang buko vendor.

Binanggit pa ni Martinez na gumanti ang isa nilang tauhan sa takot na makuyog na ng mga kasamahang vendors ng lalaki.

Ang viral video ay kuha ng isang kasamang vendor ng lalaking hinuli.

Sa video mapapanood din na nagpapaliwanag ang isang taga-MMDA na kukumpiskahin lang nila dapat ang kariton ng vendor ngunit pumalag ito.

Mapapanood din ang isa sa mga tauhan ng MMDA na kabilang din sa mga nanakit sa vendor na pinagbawalan nito ang kumukuha ng cellphone video at hinabol pa.

Iniimbestigahan na ang mga sangkot na tauhan ng MMDA.

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x