Philippines Report

Careful sa mga toxic brand products na binibenta ngayon

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng 110 na cosmetic at toiletries kasama na ang ilang produkto ng mga sikat na brand na Bench, Dove, Olay, Watsons, Kylie at Mac.

Kabilang sa 110 na produktong sakop ng babala ang mga sumusunod:

Watsons’ White­ning Body Lotion Licorice Extract and Mulberry Extract, Olay Luscious Embrace Body Lotion with Jojoba Butter and Crushed Orchid Extract, Olay Soothing Cucumber Body Lotion Infused with Avocado Oil, Olay Purely Pristine Body Lotion with Minerals and Seaweed Extract, Dove Body Cream Oil Pro-Age Whitening and Moistu­rizer, Kylie XoXo Sheertone Shimmer Blush, Kylie Bright Charm Lipstick, Kylie 3in1 False Lash Effect, Kylie False Lash Effect Eyebrow Pencil, Kylie False Lash Effect Waterproof Mascara, Kylie False Lash Effect Eyeliner, Kylie Powder Plus Foundation, Mac Frost Lipstick, at Bench Organics Papaya and Milk Whitening and Moistu­rizing Handmade Soap.

 

Sara Duterte endorses Mocha Uson, Pia Cayetano for senators

 

Sa FDA Advisory No. 2018-041, sinabi ng ahensiya na nilabas nila ang babala matapos makita ng kanilang surveillance team ang mga produkto sa merkado at nalaman na hindi pa humihingi ang mga nasabing kompanya ng pahintulot para magbenta ng mga nabanggit na cosmetic at toiletries.

Nakasaad sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 na bawal gumawa, mag-angkat at magbenta ng mga ganitong produkto nang walang pahintulot mula sa FDA.

Hindi pa nasuri ng ahensiya ang mga nasabing produkto kung kaya’t hindi rin magagarantiya ng FDA ang kaligtasan ng gagamit nito dahil hindi nila matitiyak na wala itong nakalalasong sangkap tulad ng mercury na nakikita sa maraming produktong pampaputi ng balat.

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response