Philippines Report

Cha-cha para sa term extension ni Duterte – Trillanes

Buo ang paniwala ni Senador Antonio Trillanes na para sa pakinabang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong ngayong Charter change (Chacha).

Pangunahing plano umano sa Chacha ang extension ng termino ni Duterte dahil hindi nito gustong bumaba pa sa puwesto sa 2022 dahil alam na siya ay makukulong.

Kunwari lang aniya na ayaw ng Pangulo sa term extension dahil ayaw na nitong bumitiw kapag nakahawak na sa puwesto at patunay umano ang may 20 taong panunungkulan nito bilang mayor ng Davao City.

“Alam no naman isa lang naman ang pakay nila dito eh, para manatili sila sa pwesto, beyond their term, particularly itong si Mr. Duterte,” pahayag ni Trillanes.

“Nakita nyo nga sa Davao as mayor hindi nga siya bumitaw eh. As president, hindi rin yan bibitaw. Kapag kasi nawala na siya sa pwesto eh makukulong siya,” dagdag ng senador.

Pang-engganyo naman aniya sa mga senador at konggresista ang kanila ring term extension para suportahan nila ang Chacha.

 

Kris at Bistek nagsama sa ‘kasal’ sa QC

 

Sa pagbabalik ng Senado at Kamara, tiyak umanong ipipilit ang Chacha sa pamamagitan ng constituent assembly kung saan mga senador at konggresista ang babago sa konstitusyon.

“Ang masasabi ko sila ay desididong isagasa ito at ituloy ang federalism na yan na kahit na hindi naman naiintindihan maski na ni Mr. Duterte kung ano gusto nyang gawin,” ani Trillanes.

Ayon sa senador, hindi kailangang mag-Chacha dahil hindi ito ang problema kundi ang mga taong nagpapatakbo sa gobyerno.

Hindi rin aniya mapagkakatiwalaan ng Cha-cha ang administrasyon.

“Kaso itong si Duterte, wala nga sa kapangyarihan yung pumatay ng tao pero ginagawa nya eh. Pagkakatiwalaan mo pa na pakialaman itong konstitusyon? Bitag ‘yan. I won’t fall for that,” dagdag ni Trillanes.

 

http://philippinesreport.com/expect-hike-power-rates-next-month-meralco/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x