Philippines Report

De Lima, pinadi-disbar

philippinesreport October 30, 2016 What The Papers Say No Comments on De Lima, pinadi-disbar

NADAGDAGAN ang mga kasong isinasampa laban kay Sen. Leila de Lima.

Ito'y matapos sampahan ng disbarment case sa Office of the Bar Confidant ng Supreme Court (SC) si De Lima ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), dating National Bureau of Investigation (NBI) deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala at ang jueteng whistleblower na si Sandra Cam.

Ayon sa mga complainant, dapat matanggalan ng lisensya bilang abogado si De Lima dahil sa kasong gross immorality bunsod ng pagkakaroon ng kalaguyo na si  Ronnie Dayan, dati nitong bodyguard at driver.

Si Dayan ang sinasabing kumukuha ng drug money mula sa New Bilibid Prisons (NBP).

Partikular na nilabag aniya ni De Lima ang gross immorality at Lawyers' Oath, Rule 1.01, Canon 7 at Rule 7.03 ng Code of Professional Responsibility.

Nakasaad sa reklamo na bigo si De Lima na ipatupad ang mataas na standard ng pagiging abugado na dapat magpakita ng moralidad.

Magugunitang may nakabinbin pang dalawang disbarment case si De Lima na isinampa ni Atty. Agustin Sundiam at Ricardo Rivera. TERESA TAVARES

Remate

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x