De Lima protektor ni Kerwin Espinosa

De Lima, protektor ni Kerwin Espinosa

De Lima, protektor ni Kerwin Espinosa – KINUMPIRMA ng hepe ng Albuera PNP na isa si Sen. Leila de Lima sa binanggit na protektor diumano ni Kerwin Espinosa anak ni Albuera Mayor Rolando Espinosa, na druglord sa Kabisayaan.

 

De Lima, protektor ni Kerwin Espinosa

 

Ayon kay C/Insp. Jovie Espenido, nakasaad ito sa sinumpaang salaysay ni Mayor Espinosa at sa ledger na isinumite nito sa prosecutor’s office ng Albuera, Leyte.

Tumanggi na si Espenido na magbanggit pa ng ibang pangalan sa listahan ni Espinosa subalit kinumpirma nitong may kasama ring heneral ng PNP at gobernador sa naturang listahan.

Sinabi ni Espenido na naisumite na nila sa pamunuan ng PNP ang affidavit ni Espinosa at sila na ang magpapasya kung kailan ito isasapubliko.

Bahagi ng pahayag ni Albuera PNP Chief Jovie Espenido:

“Nasa kuwan kuno Sunstar ba ‘yun, ‘yung si Leila De Lima ba ‘yun? Huwag na ako, ikaw na lang magsabi Lex, mag-Oo lang ako. Kitang-kita at sinabi din ni Mayor. Kaya sa akin naman hindi puwedeng sabi-sabi lang maggawa ng affidavit to prove, ‘yan ang recommendation natin, ‘di naman pwedeng magsabi-sabi ka lang ng tao pagkatapos walang proof.”

Ayon kay Espenido, may tatlo pa silang hawak na testigong magpapatunay sa mga isiniwalat ni Espinosa sa kanyang sinumpaang salaysay.

Nasa proseso na aniya sila ng paggawa ng affidavit ng sekretaryang naglista sa record book ng mga binigyan nila ng drug money, ‘yung taong nag-deliver ng drug money at isang accountant.

Sinabi ni Espenido na magkaiba ang ledger na isinumite ni Espinosa sa blue book na una nang nabunyag na naglalaman ng mga tumatanggap ng drug money.

Ayon sa bahagi ng pahayag ni Albuera PNP Chief Jovie Espenido, “Nagpe-prepare na kami na magpa-notarize ng mga salaysay ng tatlo na mag-collaborate sa unang salaysay niya, Mayor pa rin siya ngayon, wala tayong hold na pagbawalan siyang magsalita, na ipuwersa siya kasi wala pang warrant of arrest, siguro kapag may warrant of arrest na baka nandun na ‘yung mga hinala na baka pinuwersa ito.”

 

Remate


Posted

in

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *