Philippines Report

DFA! KLIYENTE KAMI, HINDI ALIPIN

NUKNUKAN ba o talagang saksakan lang ng kulit itong OIC ng Department of Foreign Affairs Lipa na si Nancy Garcia?

Kamakailan ay isinulat natin sa ULTIMATUM ang dinanas na pambabastos ng Konsehal ng Talisay Batangas na si Florencio Pesigan sa mga security guard ng DFA-Lipa na matatagpuan sa loob mismo ng Robinson’s Department Store.

EKSAHERADA

Sa halip na gumawa ng paraan itong si Garcia para humingi ng paumanhin sa winalanghiya ng kanyang mga tauhan… Mas minarapat pa nitong ipagtanggol ang mga guwardiya at ipagpilitang tama ang kanilang ginawa.

Nand'yan na mag-file rin ng complaint si Garcia sa mayor ng Talisay at pinaiimbestigahan ang konsehal dahil nagwala raw umano ito sa kanilang tanggapan.

He! He! He!

Nagwala? Base sa ating kaalaman kapag may nagwawala ay siguradong may nasasaktan.

Tsk! Tsk! Tsk! Napakaeksaherada naman ng alegasyon na ‘yan!

Ngayon, ang ULTIMATUM naman ang manggigigil, ha!

POWER TRIP

Kayong mga tarantadong guwardiya r'yan sa DFA, nakaugalian n'yo na kasi na kayo ang siga at kung tratuhin n'yo kaming mga kumukuha ng pasaporte ay para bang mga utusang kailangang sumunod lagi sa inyo.

O! Huwag n'yong itanggi ‘yan, mga gago kayo!

Dahil kung hindi totoo ang sinasabi ng ULTIMATUM, eh, ‘di hindi sana nangyari ang insidenteng ‘yan.

At sa'yo naman magaling na Direktora Nancy Garcia.

PALPAK ANG DFA

Muli ha isasaksak ko lang sa kokote mo, “HINDI KAILANGANG PUMILA SI KON. PESIGAN! BAKIT? KASI NAGKAMALI NANG ISYU ANG DFA SA KANYANG PASAPORTE.”

Sa madaling salita PALPAK ang DFA!

Kaya nga hiyang-hiya ang tanggapan ni Sec. Perfecto Yasay na pabalikin pa sa Maynila si Kon. Pesigan para kunin ang kapalit na pasaporte.

Sa madaling salita pinapunta r'yan sa Lipa si konsehal para hindi na maabala.

Ano ang ginawa ng mga gagong jaguar mo? Hayun! Pinairal ang hangin sa ulo, sa halip na mapagtakpan ang pagkukulang ng DFA, lalo pa itong nagkaletse-letse.

NAAYOS PA SANA

May pag-asa pa sanang ayusin ang problema… ‘Yan ay kung lumabas ka, Ms. Garcia, sa iyong lungga para harapin ang problema.

Totoo bang bukod sa nagtago ka na, nakuha mo pa raw magalit, magmura sa radyo at utusan ang iyong mga jaguar na tumawag ng pulis?

Tama po bang protocol ‘yang ginawa n’yo?

Unang tanong ko sa'yo, Ma’am Nancy Garcia… Gaano ba kalaki ang inyong tanggapan d'yan sa Lipa para hindi mo man lang masilip ang pangyayari?

KORTESIYA

Sinabi mo na maraming OFW ang kinakausap mo.

Hindi mo ba pwedeng papasukin man lang sa iyong tanggapan at paghintayin ang isang mababang opisyal ng gobyerno na gaya ng isang konsehal?

Kaya ko nasabing mababa… Kasi sa pinaggagawa mo Ma’am Nancy para bang sinasabi mong mas mataas ang iyong ranggo sa isang elected official dahil kahit na kaunting kortesiya ay wala kang naialay rito.

Kinunsinte mo pa ang mga hijo de punggol na jaguar mo!

KATARUNGAN

Muli ipapaliwanag ko sa'yo, ha NANCY GARCIA.

Hindi VIP treatment ang hinihingi ng konsehal. Ang hinihingi n'ya ay katarungan sa kapalpakan ng DFA na sa halip na 5 years ang ibigay na pasaporte ay 1 year lamang ang validity na naibigay.

TALIWAS SA INIUTOS NG PANG. RODRIGO DUTERTE

Tandaan mo ito, ha…

Ang mga taong kumukuha ng pasaporte ay mga kliyente n'yo! Hindi alipin n'yo!

Kaya kahit na konsehal o hindi, siguro naman ay marapat na harapin mo dahil galing sa aming buwis at ibinabayad sa DFA ang suweldo na iniuuwi mo sa bahay na pinanglalamon mo at ng pamilya mo! Intiende?

Pasensya na po sa lengguwahe medyo nakapipikon na ho kasi kayo. Palpak na nga ang ginawa n’yo, nagpapalusot pa kayo at ang nakaiinis.

Pumapalag pa kayo!

Tingnan natin kung saan kayo pupulutin.

TALO SA’YO SI DIGONG

Ang Palasyo ay binuksan ni Pang. Digong para sa lahat ng may pangangailangan.

Tinatawag na rin ng Pangulo na People’s Palace o Palasyo ng Bayan ito.

Hindi na ito Palasyo ng mga mananakop na hari at reyna sa hindi nila bansa. Palasyo na ito ng taumbayan, lalo na ang maliliit, na dapat respetuhin nang buo.

Pero sa DFA-Lipa para bang ito ay pag-aari ng iilang tao lamang na ang turing yata sa sarili ay mga hari at reyna!

Ooops! Ms. Garcia, pilit po naming kinukuha ang numero ng inyong telepono ngunit ayaw pong ibigay ng mga tao r’yan sa inyong tanggapan.

Tsk! Tsk! Tsk!

Ang laki talaga ng takot sa inyo. Nagpautos na rin po tayo ng reporter d’yan para ho makuha ang inyong panig pero gaya ng inaasahan, sa pinto pa lang ay hinaharang na.

Hay naku! Sec. Yasay, kanino po ba talaga ang DFA-Lipa? Kay Nancy lang po ba ito at sa kanyang tisoy na guwardiya? Ehem!

O sa taumbayan na gaya ng sinasabi ng ating mahal na Pang. Duterte?

Nagtatanong lang po!

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09228403333 mag-email sa bantiporda@yahoo.com. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA

Remate

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x