De La Salle Green Archers

De La Salle Green Archers tinalo ang Adamson

Nilamangan ng De La Salle Green Archers ang Adamson Falcons sa iskor na 91-75, na nanatiling walang talo sa limang laro sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament.

Sa unang bahagi pa lang ng laro ay lumamang na ang De La Salle Green Archers sa Soaring Falcons ng 19 points.

 De La Salle Green Archers

Pinangunahan ni Ben Mbala ang koponan na may 21 pts., at 15 pts. dito ay naitala niya sa first half pa lang ng laban

Nakapagtala rin ito ng 16 boards, apat na steals at tatlong blocks habang nakapag-ambag naman si Jeron Teng ng 15 points.

Kumamada naman ng 13 points si Aljun Melecio at 12 points naman ang kay Kib Montalbo.

Nagtala si Jerrick Ahanmisi ng 22 pts. para sa Adamson.

Source: Remate


Posted

in

, , , ,

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *