Philippines Report

Drew Olivar, Balak sampahan ng kasong kriminal ni VP Leni Robredo

Balak sampahan ng criminal charges ni Vice President Leni Robredo si Drew Olivar, ang kasama ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

‘Pepedederalismo’ video.

Ito ay dahil sa walang habas na pagbatikos at pagpapakalat ng sexual allegations ni Olivar laban kay Robredo at sa kanyang pamilya.

Pinasaringan ni Olivar ang pagbisita noon ni Robredo sa South Africa.

“Forty-eight years ka nang nandiyan sa South Africa wala ka pa rin dito. Puro photo op ka parati diyan putangina mo,” ani Olivar.

“Kahit naririnig ng mga tao wala [akong] pakialam kahit public scandal ito e totoo naman na nagpapakantot ka lang naman diyan sa South Africa,” dagdag pa ni Olivar.

Binanatan rin ni Olivar ang pag-aaral ng anak ni Robredo na si Aika sa Harvard University sa Amerika.

“‘Yang anak mo, mag-aaral sa Harvard P150,000 or P200,000 ang lifestyle tapos wala namang gagawin sa bayan,” ani Olivar.

Ayon sa spokesperson ni Robredo na si Barry Gutierrez, pinag-aaralan na ng kanilang kampo ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Olivar.

“Our legal team is currently looking into the possibility of filing a criminal complaint. Do stay tuned,” ani Gutierrez.

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

2 Comments

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x