Philippines Report

DRUG TEST HINDI ACCURATE

NOONG nakalipas na Lunes ay nagkaroon ng press conference ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa pagkakadakip sa dalawang modelo at isang aktres at sa lima pang kalalakihan.

Sa nasabing press conference ay tahasang sinabi ni QCPD Director PSSUPT. Guillermo T. Eleazar na positibo sa drug test ang mga suspek maliban sa dalawang modelo ng FHM na sina Liaa Alelin, 24, ng Commonwealth Ave., Quezon City at Jeramie Padolina, nag-iisang anak umano ng isang kilalang abogado.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nagnegatibo ang dalawang ito samantalang kaharap ako nang aminin ng mga naarestong suspek na katatapos lang nilang humitit ng shabu at sa katunayan ay nahuli ang mga ito sa isang pot session. Pero paanong nagnegatibo sa drug test ang mga modelo ng FHM? Hmmmmm. ‘Yan din ang malaking katanungan nitong si QCPD Director Col. Eleazar.

Sa pagiging negatibo sa drug test ng mga modelo ay ‘di ma maiwasang mag-isip ang mamamayan tungkol sa pagiging accurate ng drug test.

Kaya pala ‘yung alam kong mga pulis na gumagamit ng shabu ay nag negatibo sa kanilang drug test, dahil hindi naman pala ito ganun ka-accurate.

So, ano pa ang silbi ng drug test kung nagnenegatibo ang mga umaaming katatapos lang nilang gumamit o humitit ng ipinagbabawal na droga?

Hindi lang ‘yan, may mga driver din na alam ng marami na gumagamit ng droga pero ‘pag nagpa-drug test ay nagnenegatibo ang resulta.

Minabuti ng Lily’s Files na magtanong-tanong sa Crime Lab ng QCPD kung saan ay dito rin isinagawa ang drug testing ng dalawang modelo.

Ayon sa QCPD-Crime Laboratory, may nangyayari raw talagang ganyan, lalo na kapag uminom nang uminom ng tubig ang isang tao na katatapos lang gumamit ng droga.

Posible rin daw na magnegatibo sa drug test ang isang tao na katatapos lang humitit ng shabu kung mahinang klase ‘yung droga na kanyang ginamit.

Maaari rin daw itong magnegatibo kapag nagpa-drug test ang isang tao na katatapos lang gumamit o humitit ng droga at pwede ring haluan ng tubig ang kanilang mga urine.

Ang mga ganitong dahilan para maging negatibo sa drug test ang isang tao na katatapos lang gumamit ng iligal na droga ay maaaring alam na alam na ng mga pulis kung kaya mabibilang mo lang sa daliri ang nagpopositibo.

Mas mabuti pa siguro kung ang dugo ang gamitin sa pagsasagawa ng drug testing kaysa urine dahil mismong mga taga-crime lab na ang nagsasabi na posibleng tubig o kaya ay hinaluan ng tubig ang kanilang mga ihi para mag negatibo sila sa drug test. LILY'S FILES/LILY REYES

Remate

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x