Philippines Report

Dugo dadanak pa! ayon kay Digong

Nagbanta si Pangulong Duterte na kapag nahalal sa darating na barangay elections ang mga kandidatong sangkot sa illegal drugs ay marami pa mamamatay at magi­ging madugo ito.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa National Special Weapons and Tactics (SWAT) Challenge sa Davao City noong Huwebes ng gabi, hindi niya papayagan na mamayagpag ang mga barangay officials na sangkot sa illegal drugs.

“So I say, ‘Mag-eleksyon, okay. Inyong decision ‘yan. But remember that the drug situation is still very, very alive and vicious. So kung manalo ‘yang mga barangay captains, na-back up ng drug money, eh panibagong away ‘yan. Panibagong patayan na naman ‘yan,” giit ni Pangulong Duterte.

“Hindi ko sinasabi na walang election o may election. But I will never, never until the end of my term, to the last day, allow a government official to use his power or position as a platform to engage in criminality, especially drugs. Hindi ko talaga tatanggapin ‘yan. Let us be sure on that,” dagdag ni Duterte.

Nilinaw pa ng Pa­ngulo, nasa desisyon ng Kongreso kung muling ipagpapaliban nila ang nakatakdang barangay at SK elections pero mas gusto niyang matuloy ang nasabing halalan.

 

Lodi si Duterte: Trump to follow other countries’ all out war on drugs

 

Winika naman ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque kahapon sa media briefing sa Tarlac, ipinarating sa kanya ni Senate President Koko Pimentel na hindi suportado ng Senado ang muling postponement ng barangay at SK elections.

Kasabay nito, kina­lampag naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Interior and Local Government (DILG)  na sampahan na ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng barangay na sabit sa droga upang hindi na makakandidato.

Dapat aniyang linisin ng DILG ang pinaka-basic na political unit ng lipunan.

Ipinunto pa ng senador na dalawang beses ng naipagpaliban ang barangay elections upang mabigyan ng pagkaka­taon ang DILG na linisin ang mga barangay sa bansa.

Umaasa si Gatchalian na ang sinasabing 40% ng narco-barangays sa bansa ay nalinis ng DILG sa loob ng dalawang beses na ipinagpaliban ang halalan.

-PhilStar-

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x