Philippines Report

Dumating na sa Pilipinas ang heart relic ni Padre Pio

Dumating na sa Pilipinas ang heart relic ni Saint Pio of Pietrelcina, o mas kilala bilang Padre Pio, na inaasahang dadayuhin ng mga deboto.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes ng gabi ang eroplanong sinasakyan ng heart relic, kasama ang ilang pari kabilang na si retired Lipa Archbishop Ramon Arguelles na sumundo sa relic mula sa San Giovanni Rotondo sa Italy.

Pagkalapag ng NAIA ay ibiniyahe ang relic papunta sa National Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas kung saan magsasagawa ng misa bandang ala-una hanggang alas-dos ng madaling araw.

Matapos nito ay ililibot ang heart relic ni Padre Pio sa Luzon mula Oktubre 8 hanggang Oktubre 10 na iho-host ng Archdiocese of Manila.

Matapos nito ay lilipat naman sa Visayas sa Oktubre 11 hanggang Oktubre 13 sa ilalim ng Archdiocese of Cebu bago dalhin sa Mindanao sa Oktubre 14 hanggang Oktubre 16 na iho-host ng Archdiocese of Davao.

Matapos nito ay ibabalik ang heart relic sa sa Batangas kung saan magsasagawa naman ng concelebrated mass sa San Sebastian Cathedral sa Lipa City bago dalhin sa Capuchin Monastery sa Barangay San Sebastian ng naturang lungsod.

Magkakaroon naman ng round the clock veneration sa National Shrine hanggang bago bumalik ang hear relic sa Italy sa Oktubre 26.

Ang Pilipinas ang ikaapat na bansang binisita ng heart relic ni Padre Pio na kilala sa pagkakaroon ng stigmata o mga sugat sa kaniyang kamay na hawig sa mga sugat ni Kristo.

 

http://philippinesreport.com/mahilig-ba-kayo-sa-mani-pedi-mag-ingat/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x