Philippines Report

Duterte: Mga tambay sa kalye pauwiin, kapag pumalag hulihin

Para mabawasan ang krimen sa mga lansangan, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alagad ng batas na sitahin at pauwiin ang mga tambay na kakalat-kalat sa mga lansangan.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong promote na uniformed personnel sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na ang mga lansangan ay para lamang sa mga sumusunod sa batas.

Kapag aniya may nakitang mga tambay sa kalye ay sitahin ang mga ito at pagsabihang umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Dapat aniyang maging istrikto ang mga alagad ng batas dahil karamihan sa mga nasasangkot sa gulo ay mga tambay sa kanto na ang iba ay wala namang mahalagang ginagawa kundi mag-ubos ng oras sa labas.

Nagbiro pa ang Pangulo na tatalian ang kamay at ulo ng mga nagmamatigas na tambay saka ihuhulog sa ilog Pasig.

“Yang kalsada, yung highways we built it for the law abiding citizens. Ang mga kriminal, ang mga durugista they are not supposed to be there.

So my directive is pag makitang mag-istambay istambay kayo, umuwi kayo dahil pag hindi kayo umuwi ay ihatid ko kayo doon sa opisina doon sa Pasig. Ako na ang bahala ilagay mo lang diyan, talian mo ang kamay pati ulo… ihulog mo diyan sa…You be strict, part of confronting people who do not know nothing and just idling around, they have potential trouble for public,” anang Pangulo.

 

http://philippinesreport.com/gretchen-happily-kabit-ni-tony-boy/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x