Philippines Report

Duterte naabuso umano ng isang pari noong kabataan ayon kay Roque.

Sa panayam ni Connie Sison kay Spokesperson  Harry Roque sa programang balitanghali sa GMA, sinabi ni Roque na hindi na kailangang bigyan pa ng interpretasyon ang mga binitawang salita ng pangulo laban sa kristianismong naniniwala sa diyos.

” Yan po ay personal na paninindigan ng pangulo, alam nyo ang ating kalayaan na mga malayang pananampalataya kasama po yan sa wala kang paniniwalaan na pananampalataya, Tingin ko ang ating pangulo ay may personal na ispirituwalidad pero nasasakanya na yan at hindi na kailangang bigyan pa ng interpretasyon” pahayag ni roque.

Sinabi din ni Roque, ang mga diklarasyon ng pangulo laban sa mga pari ay dala umano ng masamang karanasan ng pangulo sa pari.

“Pero tingin ko ang mga diklarasyon ng pangulo ay nagmumula don sa hindi magandang karanasan niya noong siya'y bata na diumano siya ay naabuso ng isang pari” sabi ni Roque

Giniit rin ni Roque na itoy isang isyu ng simbahan na hindi dapat baliwalain at kalimutan.

“Ito ay isang isyu po na dapat talagang harapin ng Simbahan at siguro po nagkataon lang na isang Presidente po ngayon ang naging biktima pero ito ay talagang di pupuwedeng kalimutan ng Simbahan”,

“Kinakailangang aminin, humingi ng tawad, so that lahat ng naging biktima gaya ni Presidente Duterte can also move on with their lives ” dagdag ni Roque.

 

http://philippinesreport.com/teos-60m-montanos-80m-cayetanos-1b-forbes-magazine-philippines-getting-corrupt-duterte/

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x