Philippines Report

Duterte natuwa kay Catriona, aalukin ng pwesto sa gobyerno

Nais umanong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa isang posisyon sa gobyerno, saad ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson.

Sa interview ng kolumnistang si Wilson Lee Flores kay Singson, sinabi nitong nakaramdam ng “delight” ang Pangulo nang magkita ito at si Catriona matapos manalo ng huli sa Miss U pageant noong Disyembre.

President Duterte? Natuwa siya, gusto nga niya i-appoint,” saad ni Singson.

Hindi pa man sigurado kung anong posisyon ang iaalok ng Pangulo sa beauty queen, malaki ang posibilidad na alukin ito ng Pangulo pag natapos na ang tungkulin nito bilang Miss Universe 2018.

Kasalukuyang nasa New York si Gray upang gawin ang kaniyang duty bilang reigning Miss Universe.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x