Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agam-agam ng mga umuwing overseas Filipino worker (OFWs) mula sa Kuwait na hindi sila magugutom dahil hindi sila pababayaan ng gobyerno.
Sinalubong ng Pangulo ang umuwing OFWs sa Ninoy Aquino International Airport noong Martes ng gabi at tiniyak sa mga ito na tutulungan sila ng gobyerno para makapagsimula ng konting negosyo na maaari nilang palaguin.
inigyan din ng tig-P15,000 pocket money ang mga ito at konting groceries para maiuwi sa kani-kanilang pamilya.
Pinayuhan dila sila ng Pangulo na huwag nang bumalik sa nabanggit na bansa dahil tutulungan sila ng gobyerno para sa alternatibong pagkakitaan.
“May livelihood program ang gobyerno, DOLE meron, ang DTI meron, ‘yung tinatawag nilang micro small. Tuturuan ka, pahihiramin ka ng pera, they’ll give you about tig-P200,000 maski mag-maruya ka na lang diyan.
“So huwag kayong mawalan ng pag-asa. Hindi naman kayo magugutom,” anang Pangulo.
Mag-iisyu aniya ito ng Executive Order para atasan ang Department of Social Welfare and Development na bigyan ng bigas ang umuwing OFWs. – Abante –
2 Comments