End of Contractualization

‘ENDO’ malapit na mag-end, Sana nga totoo

Matutuldukan na raw ang tinatawag na 5-5-5 o End of Contractualization (ENDO) ng mga manggagawa ng ating bansa matapos na tiyakin ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III ang kanyang magandang balita.

Ayon pa kay Bello, magkakaroon na ng Security of Tenure ang lahat ng mga manggagawa na matagal nang pinagkaitan na maging regular sa kanilang mga trabaho dahil nga sa lintik na End of Contractualization (ENDO) na ito na gawa ng mga mambabatas na kumikiling sa mga kapitalista.

End of Contractualization

Sana nga ay magkaroon ng katuparan ang sinasabi ni Bello na itong ENDO ay talagang “mag-the-end” na nang tuluyan na wala nang sardinas na tinatawag na 5-5-5 para sa ganoon ay magkaroon na rin ng security of tenure ‘yung mga kaawa-awang manggagawa.

Ang matindi pa rito, siniguro rin ni Sec. Bello na hindi magkaka-problema sa underemployment o unemployment kapag tuluyan nang nagwakas ang ENDO.

Ang sabi pa ni Bello, napag-isip-isip na rin daw siguro ng mga employer na “for industrial peace” ay kailangan naman na mabigyan ng tamang benepisyo ang mga kaawa-awang manggagawa.

Biruin ninyo, napakatagal nang panahon na nagtiis ang ating mga manggagawa sa pahirap na endo na kada magpa-5 months ang isang manggagawa ay ite-terminate ito ng employer at saka depende sa performance ng isang manggagawa kung i-extend ng another 5 months na kung saan ang mga manggagawa ay wala nang security of tenure.

Ang tanong: Kayang-kaya ni Bello na ipatupad ito sa malalaking kompanya na kalimitan ay kumukuha lang ng kanilang mga tauhan sa mga agency gaya nga ng Shoe Mart (SM), Puregold, Robinsons at marami pang iba.

E, baka naman puro na namang wento at wala na namang wenta ang balitang ito gaya nitong si DOTC Sec. Art Tugade na halos ilang buwan na sa puwesto bilang DOTC boss pero hanggang ngayon ay wala pang naipakikitang nagagawa at patuloy pa rin ang traffic sa buong Metro Manila.

Maging ang LRT ay madalas na masira. Ay naku, diyos por santo.

Naku, grabe ang puwesto pijo ng drop ball ni Juvy na Taga-Muños, Nueva Ecija sa Sta. Barbara, Pangasinan dahil halos magdamagan na dinurumog ng mga Pangasinense ang magdamagan na operasyon nito.

Nakatunganga lang si Sta. Barbara chief-of-police Maj. Rex Infante kahit nakikita na niya na iligal na pasugalan ang puwesto pijo ng drop ball na ito ni Juvy.

Source: Remate


Posted

in

, , ,

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *