Philippines Report

FLASH: Ex-convict na suspect sa rape-slay sa 9 yrs old sa T’Boli, nagbigti patay

KORONADAL CITY – Kinumpirma ni T'Boli chief of police C/Insp. Ramil Villagracia na nagbigti-patay ang suspect sa panggagahasa at pagpatay sa siyam na taong gulang na babae sa bayan ng T'Boli South Cotabato.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Villagracia, sinabi nitong pasado ala una ng madaling araw ng Sabado nang matagpuan ng kanyang tauhan na nakalambitin na sa loob ng selda ang suspek na si Sonny Kagalingan, 48 anyos.

Ginamit umano ni Kagalingan sa kanyang pagbigti ang plastic na tali na ginagawang sampayan ng mga pulis sa likod ng selda, kung saan itinali nito sa grills sa loob ng kulungan at doon nagpatiwakal.

 

 

Nang matuklasan, isinugod pa ng pulisya sa ospital ang suspek ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon kay Villagracia, maaring hindi kinaya ng suspek ang konsensya nito at pressure ng mga galit na pamilya at mga residente sa brutal nitong pagpatay sa inosenteng biktima.

Agad namang nag-request si Villagracia sa PNP crime lab na isailalim sa autopsy ang bangkay ni Kagalingan.

Napag-alaman na 12 taon din nakulong ang naturang suspek sa kasong rape sa Taguig City at nang makalabas ng kulungan ay agad itong tumungo ng South Cotabato at gumamit ng alyas na Sonny Kagalingan.

Magugunitang inamin mismo ng suspek sa chief of police ng T'Boli PNP na siya ang gumahasa at pumatay sa biktima, kung saan maliban sa hinalay ay pinagsasaksak pa ng suspek ang ari ng biktima at ikinalat sa damuhan ang bituka ng paslit. -95.7 Brigada News FM Koronadal-

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

2 Comments

Leave A Response