foreign direct investments

Foreign direct investment sa bansa tumaas ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas

Tumaas sa 79 percent ang foreign direct investments (FDI) na bumuhos sa Pilipinas sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umakyat sa 4.69 billion dollars ang foreign direct investments mula Enero hanggang Hulyo na mas mataas ng 2.07 billion dollars kumpara sa 2.62 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong 2015.

foreign direct investments

Ipinagmalaki ng Central Bank na ang paglobo ng FDI ay maaaring dulot ng positibong pananaw ng mga negosyante sa ekonomiya ng Pilipinas.

Inihayag pa ng BSP na karamihan sa mga investment na ito ay mula sa Japan, Singapore, Hong Kong, US, at Taiwan na inilagak sa pamamagitan ng financial, insurance, real estate, manufacturing, construction, accommodation at food service.

Source: Remate


Posted

in

, , , ,

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *