Philippines Report

Makabagong Gadgets: Kinahuhumalingan ng Pilipino ngayon

Kapansin-pansin hindi lang ang mga bata kundi pati na halos lahat, lulong sila sa makabagong gadgets – cellular phones, ipads, laptops and more.

Kahit saang sulok ka tumingin may hawak silang makabagong gadgets. Sa loob ng bahay. Sa daan at mga kalsada. Sa mga kainan. Sa mga kapihan.

Kahit saan at ultimong mga magsosorbetes, diyaryo-bote-bakal, magtataho at lahat halos ng uri ng sektor, may gadgets!

 makabagong gadgets

Wala naman masama sa pagkakaroon ng ganyang uri ng gadgets pero pansinin natin ang paligid, maski sa loob ng isang pamilya o grupo ng mga magkakaibigan.

Magkakasama nga sa isang lugar o loob ng bahay, wala o hindi mo naman makausap!

Ang matindi ay sa mga pamilya mismo. Si Nanay, si Tatay, si Kuya, si Ate at si Bunso, pati na mga kasambahay ay may mga hawak na gadget.

Nasa loob nga sila ng kanilang bahay, wala ka naman marinig na nag-uusap man lamang dahil abala sila sa kateteks, kapepeysbuk, twitter, pokemon at paglalaro ng gadget games!

Ang daming nababaliw sa laro sa gadgets, ha. Pinakahuli na lang ‘yung sa Clash of Clans (COC) pero mas matindi ngayon, ‘yung gawang laro-hanap-huli ng Japan – ang POKEMON games!

Habang nasa loob ng bahay o nasa bakasyon kaya, sa halip na magkaroon ng palitan ng kwento, kasiyahan dahil bakasyon nga, magpalitan ng alam sa mga balita ng lipunan – wala!

Walang paki ang isa’t isa dahil nakatutok sa Facebook o Twitter, computer games at mga kauring laro pa mula sa gadgets!

Masama ang epekto ng gadgets sa atin bilang mamamayan bilang Filipino.

Kung sabagay, kahit saang sulok ng mundo, biktima na rin sila ng nakababaliw na gadgets. Lalo na’t maraming gumagawa ng mura ngayon na smartphones, nakupo, lalong abot-kaya maski ng maralita.

Isama mo pa riyan ang mga cellphone na GSM o galing sa magnanakaw, nagkamurahan na.

Dahil sa pagkalat ng gadgets, sinira nito ang magandang relasyon ng maraming pamilya. Nawala na halos ang “family bonding” na napakahalaga para maging matibay at matatag sana ang pamilyang Filipino.

Pati nga ang pambansang liderato at mga opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan ay nababahala na sa mga empleyado, eh.

Sa halip na magsumipag magtrabaho, hayun, todo-laro kahit oras ng trabaho!

Hindi pa huli ang lahat. Sana, gamitin ang gadgets sa tamang oras lamang, ‘yung tapos na lahat ang trabaho.

Sa bahay, ‘yung tapos na’t maayos ang hapag-kwentuhan, kainan at mga silid pati pag-aaral ng mga bata.

Ibalik natin ang sigla ng relasyon ng bawat isa, lalo na sa ating pamilya.

Source: Remate

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x