Philippines Report

Ginang, pinatay sa taga ng kaniyang mister sa Cadiz

Ginang, pinatay

CADIZ CITY, Negros Occidental—Patay na nang madatnan ang 64-anyos na ginang na pinagtataga umano ng kaniyang asawa gamit ang palakol sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Luna sa lungsod na ito Huwebes ng madaling araw.

Ginang, pinatay

Ayon sa pulisya, ginising ng manugang na lalaki ng biktima ang kaniyang mga kapitbahay pasado ala-1 ng madaling araw matapos na makitang lumabas ng bahay ang biyenang lalaki.

Kadalasan daw kasing nangunguha ito ng mga gamit ng iba.

Hindi naman inaasahan ng manugang na makitang duguan at patay na ang biktima nang puntahan niya sa bahay para gisingin din.

Natutulog umano ang biktima sa sala nang pagtatagain ng asawa gamit ang palakol. 

Mayroon din umano itong diperensiya sa pag-iisip.

Dating nangunguha ng scrap ang suspek at kadalasan din nangunguha ng kung ano ano gaya ng mga bote, at kung minsan pera, kaya tinatago ng asawa ang mga ganitong gamit. 

Dagdag pa ng awtoridad na posibleng ikinagalit ito ng suspek kaya nagawa niyang tagain ang asawa. 

Dati na umanong naaresto ang suspek dahil sa pagnanakaw.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x