Philippines Report

Gumaca, Quezon ‘binaha’ ng alak

philippinesreport August 12, 2018 News No Comments on Gumaca, Quezon ‘binaha’ ng alak

Gumaca, Quezon ‘binaha' ng alak: Habang binabaha ang Kalakhang Maynila at mga karatig-lalawigan dahil sa malalakas na ulan, “bumaha” naman ng alak ang isang barangay sa bayan ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon, maaga nitong araw ng Linggo.

Nagkalat at pinagkaguluhan ng mga residente ang mga bote ng alak na tumapon sa highway sa Barangay Hagakhakin.

 

Ayon sa Gumaca Municipal Police Station, patungo sa Bicol ang isang delivery van nang biglang bumukas ang magkabilang harang sa tagiliran nito at tumilapon sa highway ang kahon-kahong bote ng alak.

Nangyari ang insidente pasado alas-siete ng umaga nitong Linggo, na nagdulot naman ng pagbigat ng daloy ng tarpiko, ayon sa mga pulis.

 

 

May iniwasan umano ang van na kasalubong sa pakurbang bahagi ng highway nang bigla na lamang bumukas ang magkabilang tagiliran nito.

Halos masaid ang laman ng delivery van nang putaktehin ng mga residente ang mga nagkalat na mga kahon ng alak sa daan at kaniya-kaniyang hakot nito. Hindi na umano naawat ang mga taga-barangay.

 

 

Inaalam pa ng pulis-Gumaca ang halaga ng na tapong mga kahon ng alak. Wala naman umanong napaulat na nasaktan nang dahil sa insidente.

 

 

Pahayag ng mga pulis, sana raw ay hindi pinagsamantalahan ng mga kumuha sa alak ang pangyayari at sa halip ay tumulong ang mga ito.

Photos : Reymar John Jordan

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x