Philippines Report

Bataan Nuclear Power Plant tugon sa kakulangan ng kuryente

Naghain ang Department of Energy (DOE) ng budget nila para sa susunod na taon sa harap ng mga mambabatas na syang kikilatis sa hinihingi ng DOE na pondo mula sa kaban ng bayan para panggastos ng ahensya sa pagtugon sa kanilang mandato na bigyan ng maayos na serbisyo ang mamamayang Filipino pagdating sa enerhiya, partikular ang kuryente.

Ayon sa Department of Energy, Malaking bagay ang usapin ng kuryente dahil hindi lamang ito tungkol sa pagbibigay ng ilaw sa mga tao kundi rito rin nakasalalay ang desisyon ng mga mamumuhunan para maglagak ng salapi para sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa mas simpleng salita, kung may sapat na suplay ng kuryente, at kung mas mura sana, ay mas marami ang mag-i-invest sa bansa dahil lahat ng negosyo ay nangangailangan ng kuryente.

Department of Energy

Ang daming isyu rito, mula sa kung sapat ba ang reserves para hindi na magka-brown out; kung ipapasa ba sa gastusin ng consumers ang pondo na kukunin para sa pagpapatayo ng mga bagong planta; kung may proteksyon ba laban sa terorismo na nagpapasabog ng mga power line, etc.

Pero ang isa sa mukhang hindi pa napapagtuunan ng pansin ng DOE ay ang usapin ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Napag-uusapan ang BNPP kasi nga halos 40 years na itong handang magamit pero hindi ginagamit. Pero ang isyu rin na dapat silipin ng DOE ay kung pwede ba nating isama na sa “energy mix” ang nuclear energy.

Advanced na ang teknolohiya ng nuclear energy. Naku ha, iba po ito sa nuclear weapons, naku ibang-iba. Hindi po sumasabog ang nuclear energy kasi ang paraan dito ay pagpapainit lang ng reactor para mag-produce ng kuryente.

Maraming bansa na ang gumagamit nito dahil ligtas at mura. At kung gusto natin ang mas magarbong ekonomiya ay dapat may sapat na suplay tayo ng ligtas at murang kuryente.

Pero ang unang dapat gawin ng DOE ay edukasyon tungkol sa nuclear energy para huwag nang matakot ang ilan at para maipaliwanag na ang nuclear energy sa paggawa ng kuryente ay hindi kapareho ng nuclear na ginagamit sa paggawa ng bomba.

Sana maiangat ng DOE ang kaalaman ng Pinoy, lalo na ang kabataan, tungkol sa ligtas na teknolohiya ng nukleyar para sa paggawa ng murang kuryente.

 

Source: Remate

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

  1. michael November 23, 2017 at 11:55 am

    ano ang mga teknolohiya ng nuclear power plant

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x