Philippines Report

Horoscope, December 08, 2017

philippinesreport December 8, 2017 Lifestyle No Comments on Horoscope, December 08, 2017

Horoscope, December 08, 2017: Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang mag-savings.

Hindi dapat ubusin ang pera sa pagbo-blow out. Magtira para kinabukasan ng pamilya! Habang pinapahalagahan at itinatabi mo ang pera, lalo ‘yang dadami nang darami. Mapalad ang 1, 7, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel.” Yellow at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Mawawala ang negatibong pakiramdam kung itutuon ang isipan sa ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Isang tapat at mabuting Sagittarius ang darating. Sa pinansyal, ang pinakaepektibo pa ring paraan upang umunlad ay ang mag-ipon. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Black at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa araw na ito at sa susunod na mga araw ay ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon. Sa pinansiyal, hindi ka uunlad kung hindi ka magiisip o kikilos para sa mas malaking kita. Mapalad ang 6, 12, 23, 36, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Purple at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kaunting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong sa iyo ng isang taong inisnilang sa zodiac sign na Virgo. Mapalad ang 1, 5, 15, 27, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Tanggapin lang nang tanggapin ang anumang mga negatibong pangyayaring nagaganap at laging matutong magpasalamat. Sa ganyang paraan mahahawi rin ang dilim at sa sandaling umaliwalas ang langit, kusa na uling gaganda at liligaya ang iyong kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Whathanabe-Aum-Gatmadu.” White at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Hindi awa ang dapat kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Nameh-Om.” Orange at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — May darating na bagong kakilala na makakasama sa panibagong yugto ng buhay sa susunod na taong 2018. Isang masarap at matamis na pag-iibigan ang kusang mabubuo habang sa aspetong pang-pinansyal, ang kabuhayan ay patuloy ang paglago. Mapalada ang 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa simpleng buhay, mas magiging maganda ang kapalaran. Iwasan ang maluhong pamumuhay lalo na sa darating na 2018. Tandaang ang pagtitipid at ugaling praktikalidad ang sa iyo ay siguradong magpapaunlad. Mapalad ang 7, 16, 24, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Palawakin pang lalo ang iyong mundo. Habang dumadami ang kaibigan mas lalago ang oportunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kakilala ay mas makapamimili ka ng taong may busilak na puso at panghabambuhay ka mamahalin. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Dosya-Om.” Cream at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Masyadong mataas ang iyong ambisyon. Hindi masama dahil ang lahat ng iyan ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Sa pag-ibig, ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang nilalang na kaya-kaya mong mapasunod, lalo na kapag alam niyang gagalit ka na. Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Pink at gold ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa panahon ngayon maraming gumugulo sa iyong isipan, walang dapat gawin kundi ang matutong magmeditasyon – limang minutong katahimikan ng puso at isipan ang kailangan upang dagling masolusyunan ang mga pagsubok at problema. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna-Om.” Blue at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag sumuko hangga’t hindi nakakamit ang pinakadulo ng minimithi – ang yumaman. Sa pag-ibig, wag hiwalayan ang kasuyo, at pagkatapos muli ka lang mabibigo sa pakikipagrelasyon sa iba – parang niloloko at pinarurusahan mo na nito ang iyong sarili! Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa Paskong darating wag maghanap ng kasiyahan kung saan-saan, nasa sariling tahanan ang ligaya. Mahalin ng lubos ang inyong pamilya sapagkat sa ganyang paraan lamang nagmamahal ka, bukod sa ligaya kusang darating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

http://philippinesreport.com/isang-politiko-nangangamba-sa-kanyang-kalusugan/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x