Philippines Report

ISANG PINAY SA SINGAPORE PINAG-ANTAY SA LABAS NG RESTAURANT HABANG KUMAKAIN ANG KANYANG MGA AMO

Ang mga OFW ay ibibigay ang lahat para lang sa kapakanan ng kanilang iniwan na pamilya sa Pilipinas.

Maraming pagsubok ang kanilang maaaring pagdaanan para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang isa dito ay ang pakikitungo sa ibang nasyonalidad sa pagtrabaho sa labas ng bansa.

Madalas na inaabuso ang mga domestic helpers at ang iba ay nagreresulta pa sa kanilang pagkasawi.

Isang larawan ng isang domestic helper ang mabilis na kumakalat sa social media. Makikita dito ang isang tila normal na restaurant na may dalawang taong kumakain ng masasarap ng mga pagkain.

Pero kapag tingnan mo ito ng mabuti, makikita mo ang isang babae na nakaupo sa tabi ng isang walkway at naghihintay na matapos kumain ang kanyang mga employer.

Dito mo makikita ang totoong buhay ng isang OFW. Ang larawan na ito ika nga sa ingles ay “paints a thousand words.”

Karamihan ng tao ay inaakala na yayaman ka na kaagad kapag nakapagtrabaho ka sa ibang bansa. Totoong mas madali kang makakapag-ipon ng pera lalo na kung ang suweldo mo ay galing sa mataas na currency at makakatulong ito sa kasalakuyang panahon na pataas na pataas na ang mga presyo ng mga bilihin.

Pero mahirap magtrabaho sa isang dayuhang bansa na may mga tao na maaaring iba o masama ang pagtrato sa iyo.

Ang larawan na ito ay kinuha sa Singapore na pinaninirahan ng halos 175,000 na mga Filipino.

Maraming mga netizen ang naawa sa sinapit ng domestic helper.

“Ito ang problema sa karamihang employer. Parang alipin na ang turing nila sa kanilang mga katulong! Iniisip nila na dahil binabayaran kita dapat mong sundin lahat ng gusto ko. At kapag nagpahinga lang ng kunti ang isang katulong ay sa aakusahan na nila ito ng pagiging tamad. Mga tao lang sila at napapagod din. Ito ang dahilan kung bakit niyo sila tinanggap bilang katulong. Dapat niyong respetuhin ang kanilang pagkatao.” sinabi ng Facebook user na si Richard Chua.

“Ang katulong namin ay para na ring miyembro ng aming pamilya. Binabati sila ng aming mga anak. At tuwing kakain, tinatawag din sila ng mga bata. Tinutulugan din namin siya minsan sa mga gawaing bahay. Hindi lamang siya isang katulong pero kapamilya na rin namin.” sabi ni Andy Ng.

“Poor thing! Look at the helper, she is so thin! Someone needs to help check if the employers are ill treating her,” says Francis Ong.

“Kawawang tao! Tingnan mo nga at sobrang payat na siya. Dapat merong tumingin kung maayos ang pagtrato sa kanya ng kanyang mga employers.” sabi ni Francis Ong.

 

http://philippinesreport.com/2-sundalo-11-iba-pa-sugatan-sa-pagsabog-sa-isulan/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x