Philippines Report

Kabi-kabilang petisyon para sa dagdag-pasahe, posibleng sa Marso pa madesisyunan ng LTFRB

Malabong maaprubahan agad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga petisyon para sa dagdag-pasahe.

Sabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, pinakamaaga na raw siguro ang Marso para makapagdesisyon ang ahensiya kaugnay nito.

Sa ngayon, naghain na ng petisyon para sa taas-pasahe ang transport network company na Grab, gayundin ang taxi operators group na Philippine National Taxi Operators Association.

Nauna na ring nagbigay ng fare hike petition ang mga jeepney operator; pero kailangan daw nila itong amyendahan.

 

Tatlong drug suspects, napatay sa unang 100 araw ng war on drugs sa ilalim ng PDEA

 

 

Siniguro naman ni Lizada na kabilang sa kanilang konsiderasyon ay ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Pero hindi lang daw ito ang kailangang isaalang-alang sa pagtaaas ng pasahe.

“While we are a regulatory body, we see the commercial side of it. We need to protect the riders. However, the business has to be viable and sustainable, in this case on the part of the TNCs and the TNVS,” sabi ni Lizada nang makapanayam ng media kanina.

“We need to find that fine balance, which is acceptable to the riding public, one that we are able to defend yung aming decision, but also sustainable on part of the TNCs to do business here and also for you na mayroon kayong decent take home pay.”

Nagbabala naman ang LTFRB sa mga pampublikong sasakyan na magtataas ng kanilang pasahe pero ‘di naipagpaalam sa ahensiya.

Pwede raw silang pagmultahin o kaya ay makanselahan ng prangkisa.

 

-News5-

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x