Philippines Report

Komedyanteng si Bentong namatay na

philippinesreport February 9, 2019 News 1 Comment on Komedyanteng si Bentong namatay na
Bentong

Namatay na ang komedyanteng si Bentong o Domingo Vusotros Brotamante Jr. sa tunay na buhay.

Nakilala si Bentong bilang sidekick ng host at actor na si Willie Revillame sa kanyang mga naging TV shows sa ABS-CBN, TV5 at ngayon ay sa GMA.

Si Bentong ay nagsimula sa industriya bilang production assistant hanggang sa mabigyan siya ng break bilang komedyante at sidekick sa ilang programa sa telebisyon.

Sinabi ng manugang ni Bentong na si Arvin Vincent Anierdas sa kanyang Facebook account na namatay ang komedyante kaninang umaga sa Fairview General Hospital.

Nauna nang napaulat na labas-masok sa ospital si Bentong dahil sa diabetes.

Wala pang opisyal na pahayag ang kanyang pamilya kaugnay sa detalye ng kanyang lamay at libing.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x