Philippines Report

Kris Aquino, beastmode sa pagtawag ng basher kay Erich Gonzales na “kabit”

Dinepensahan ni Kris Aquino ang malapit niyang kaibigan at itinuturing na anak-anakan na si Erich Gonzales mula sa isang social media troll na nang-bash sa dalagang aktres.

Ayon sa ulat ng PEP, nagsimula ang galit ni Kris sa basher matapos niyang mag-post ng mensahe sa Instagram bilang pagsuporta kay Erich sa pelikula nito na kasali sa Metro Manila Film Festival 2017 – ang “Siargao” na idinirihe ni Paul Soriano.

Isang netizen na may handle na “wonder2505” ang nagkomento sa post ni Kris laban kay Erich.

“Kabit ni Paul Soriano panira ng pamilya,” anang social media troll.

Hindi ito pinalampas ni Kris at sinagot ang basher. Tinawag niyang malisyoso at fake news ang komento ng netizen. Aniya, ninang siya sa kasal nina Paul at Toni Gonzaga at solid umano ang pagsasama ng dalawa.

Dagdag pa ni Kris, may guwapo at intelihenteng manliligaw ngayon si Erich.

‘Keep discourses respectful,' says Lea Salonga on Gatchalian's ‘gago' tweets

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x