Philippines Report

Kris at Bistek nagsama sa ‘kasal’ sa QC

May hatid na kilig talaga kapag nagkikita sina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Kapag magkatabi sila sa picture, nag-iiba ang aura, lumalabas ang glow sa kanilang mga mukha.

Na kahit ayaw mong isipin na magkakabalikan pa sila, parang nandun pa rin ang pag-asa na sa bandang huli, sila pa rin ang magkakatuluyan.

Una ngang nakita sa IG ni Kris ang post niya na may caption na ‘I still believe in love…’ na may tatlong emoticons na heart.

At ang sumunod na pasabog, hayun nga at magkasama na sila ni Mayor Bistek sa mga larawan. At naganap ang picture taking na ‘yon sa Quezon City Hall mismo, ha! Meaning, dinayo ni Kris si Bistek sa opisina nito.

Pero, bago mag-isip ng kung ano-ano, dinayo ni Kris si Bistek sa QC Hall dahil ipinakasal niya ang yaya ni Bimby na si Yaya Racquel sa dyowa nitong si Jun Aries Confessor.

Ang bongga nga na pinapunta ni Kris sa Manila ang nanay ng groom na si Jun mula Bacolod, at sagot lahat ‘yon ni Kris. At kahit ang reception na ginawa sa isang sosyal na restoran, sagot din ni Kris.

Hindi lang ako sure kung sumama si Mayor sa reception ng kasal, o hanggang saan umabot ang chikahan ng dalawa. Pero, kinailangan din daw ni Kris na magpunta sa isang appointment niya. – ABANTE TNT-

 

http://philippinesreport.com/louisiana-teacher-handcuffed-arrested-bringing-brass-salary-school-board-meeting/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x