Philippines Report

Lalaking Nag Nakaw Ng fried Chicken Tiklo, Pagbalik Sa Restaurant

Isang lalaki na nagnakaw sa isang fried chicken restaurant sa Bronx, New York City noong Hulyo ang inaresto noong nakaraang Huwebes matapos balikan ang ninanakawan na restaurant at makilala siya ng mga empleyado.

Hindi inakala ni Christopher Schlosser, 21, na matatandaan ng mga empleyado ang kanyang mukha nang pumasok sa Texas Chicken and Burger sa Brook Avenue noong Disyembre 8.

Agad na tumawag sa 911 ang mga empleyado at sa pagdating ng mga pulis ay inaresto ang lalaking adik sa fried chicken.

 

Kinasuhan siya ng robbery dahil sa insidente noong Hulyo 27 kung saan pinasok niya ang counter at nilimas ang mga tray na naglalaman ng fried chicken at biskwit habang tulalang nanonood lamang ang mga empleyado at customer.

Pagkatapos punuin ng pagkain ang bag, tinabig niya ang isang empleyado at tumalilis palabas ng restaurant.

Isang araw bago maaresto si Schlosser, isang lalaki at babae ang nagnakaw din umano ng fried chicken sa nasabing tindahan.

Ang mga suspek na pinaniniwalaang mga tinedyer, ay nagnakaw din umano ng $15 halaga ng fried chicken na pinagkasya nila sa isang maliit na kahon.

Nagtalo pa umano ang dalawa sa harap ng counter dahil kulang umano ang kanilang pera, saka tumalon ang babae at pinuno ng fried chicken ang maliit na kahon.

 

http://philippinesreport.com/anak-ni-napoles-absuwelto-sa-tax-evasion/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x