MAGSISIMULA na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglatag ng libreng wifi sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations sinabi ni DICT Usec. Jorge Sarmiento na may P1.7-bilyon ang nakapaloob sa panukalang badyet ng kagawaran para sa pagkakabit ng libreng broadband access.

Ang nabanggit na badyet aniya’y para sa may 1,634 na munisipalidad at lungsod sa buong bansa.

Bilang bagong kagawaran, ang DICT ay may alokasyon na P2.9-bilyon para sa susunod na taon.

Iniulat pa ni Sarmiento na meron ng 69 na line project sites sa Luzon, Visayas at Mindanao kasama dito ang Cebu, Batangas, Davao del Sur, Zamboanga del Sur at ilang lugar sa NCR at madaragdagan pa aniya ito ng 62 sites bago matapos ang 2016.

Isinulong naman ng National Telecommunications Commission (NTC) na upang maiayos ang signal ng internet ay kailangan umanong amyendahan ng Kongreso ang multa sa mga telecommunication companies mula P200 sa P1-milyon kada araw.

“We really need the help of Congress here [in amending the law on penalties] because when we asked NEDA (National Economic Development Authority), this P200 a day in 1936 is equivalent to P1,000,076 million in present day. If the penalty is this huge, we’re sure that the telecommunication companies will step up,” ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

 

Remate


x

Related Posts

STL NG PCSO BUONG PILIPINAS NA
SA hangad na matugunan ang pangangailangan na makalikom ng mas malaking pondo para sa proyekto sa pagkawang-gawa ng Philippine Charity Sweepstake...
Abu Sayyaf nakapasok sa Cebu, buong lalawigan inalerto
INALERTO ng Police Regional Office Central Visayas ang mga residente sa rehiyon matapos umanong makapasok sa kanilang lugar ang hindi bababa sa a...
Foreign direct investment sa bansa tumaas ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas
Tumaas sa 79 percent ang foreign direct investments (FDI) na bumuhos sa Pilipinas sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan. Ayon sa Bangko Sen...
powered by RelatedPosts

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x