Philippines Report

Limang lalaki arestado sa ‘online sabong’ sa Ilocos Norte

Arestado ang 5 lalaki matapos umano magsagawa ng illegal live streaming ng sabungan sa Barangay Bungcag, Dingras, Ilocos Norte Sabado ng hapon.

Sa ikinasang raid, inaresto ang 5 lalaking taga-Pampanga at nakumpiska ang 2 camera, 2 tripod, 1 computer monitor, 4 na modem units, at 4 na plastic boxes na naglalaman ng mga iba’t ibang klase ng cords at wires.

Ayon kay Supt. Relly Arnedo, hepe ng Dingras Police Station, ang impormasyon tungkol sa ilegal na gawain sa Barangay Bungcag ay galing sa isang concerned citizen.

Dagdag niya, habang kinukuhanan ng mga suspek ang sabong sa nasabing barangay, ito ay napapanood online at may mga dayuhan umanong tumataya rin.

“Ayon sa coordinator nila kung paano nangyayari ang game na ‘yun, according to him, live-streaming ‘yung ginagawa nila. So dito kinukuhanan nila ng live, binabato nila, sabi nila nakakarating ng Las Vegas, so may mga bettors sa Las Vegas, Manila and some parts of the country. Malawak ang operations nila,” ani Arnedo.

Tumangging magbigay ng pahayag ang 4 sa mga suspek.

 

Pinakamalaking public hospital sa Malaysia, nasunog

 

Ayon sa isa, hindi nila alam na bawal ang kanilang ginagawa at inimbitahan umano lamang sila ng isa sa mga empleyado ng sabungan para i-promote online ang sabungan sa ibang bansa.

Paliwanag ni Carlo Villanueva, empleyado ng sabungan, ang akala niya ay ipapalabas lamang ang sabong para mapanood ng mga Pilipino sa abroad pero hindi niya alam na may mga manonood na tumataya.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law na may kaugnayan sa Cybercrime Law.

ABS CBN

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x