Philippines Report

Loyalty tsek ikakasa ng PNP, AFP kasunod ng bantang Kudeta

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasagawa ng loyalty check sa kanilang hanay upang matiyak na walang magaganap na kudeta o destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Asec. Ana Marie Banaag na mas maganda kung mismong si PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Ricardo Visaya ang magsasagawa ng loyalty check sa kanilang nasasakupan upang agad na maibalik ang tiwala ng taumbayan sa kanila.

Unti-unti nang nawawala ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan at kasandaluhan dahil may ilan sa mga ito ay sangkot sa illegal na droga.

“Mas maganda siguro na ang PNP ang makakapagkomento diyan dahil sila ang nakakaalam kung gaano ang problema sa PNP at para na rin maibalik ‘yung– So that the trust of the public would be brought back to the PNP. Mahirap kasi kapag ang civilian na, na personnel ng PNP, civilian in authority ay walang, walang, walang trust, walang trust ang taong bayan sa kanila, kasi saan sila pupunta,” ayon kay Asec. Banaag.

Batid aniya ng mga opisyal na ito na mayroon silang mga tauhan na “bugok” at hayagang umaayaw sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walisin ang illegal na droga sa bansa.

“Nakakaawa rin si General Bato. Mahirap mag-protekta ng sarili mong organisasyon kung alam mo na may mga anay dito,” ani Asec. Banaag.

Mayroon naman aniyang kasapi ng ilang grupo na talagang gusting patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte hindi dahil tamad ito bilang Pangulo ng bansa kundi ayaw ng mga taong ito ang palakad ng Chief Executive. -30-

Remate

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x