videoke bar

Magkaibigan, patay sa videoke bar

Ang masayang inuman ng magkaibigan ay nauwi sa malagim na kamatayan kaninang madaling- araw nang pagbabarilin sila sa isang videoke bar sa Baclaran.

Pumasok ang dalawang bikma sa isang videoke bar alas-3:00 ng madaling-araw at umorder ng inumin at pulutan.

videoke bar

Mga tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay nina Jessie dela Cruz at Nash Roldin Tajir na pawang nasa hustong gulang at residente ng Bgy Baclaran, Parañaque City.

Habang masayang nag-iinuman ang dalawa, dalawang hindi kilalang suspek ang dumating at pinagbabaril ang dalawa.

Nakatakbo pa sa magkahiwalay na lugar sina Jessie at Nash pero hinabol ng mga suspek at tinuluyan.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang at inaalam pa kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Source: Remate


Posted

in

, ,

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *